Death and plagiarism.
Ano kaya kung lahat talaga ng tao ay gusto si Death? Kahit sandali lang nila siyang nakita o nabasa, o kahit ayaw nila si Neil, gusto pa rin nila si Death...
Parang nakakatuwang isipin na ganoon talaga kalakas iyung karakter ni Death, na magugstuhan siya talaga ng lahat ng nakakakilala sa kanya.
So about plagiarism. Noong isang linggo sa Mass Media and Society class kasi namin, nagsalita at nagpowerpoint presentation si ma'am sandali tungkol sa kasamaan ng plagiarism. Dahil journalism ang background niya, nagegets ko kung bakit sobrang concerned siya sa isyung ito.
I'm pretty sure that in my three years of making papers for various classes, I'd be guilty of a little plagiarism too. Lalo na't ako iyung klase na ayaw ng quotation marks, parenthetical citations, at footnotes. Pero hindi naman ako iyung sobrang nag-rip off ng whole quotes. Basta paraphrase lang. E apparently kailangan din ng citation iyung mga iyun.
Ewan ko, di ba masyadong big deal kung sa isang reaction paper na mali ang citation mo ay kakasuhan ka ng plagiarism? Syempre kung sobrang blatant iba na iyun, pero kung pagkakamali mo lang siya, di ba ang big deal naman niyon para sa isang bagay na kakalimutan/itatapon/matatambakan lang ng mga ibang scratch paper?
Maiintindihan ko kung thesis, o para sa contest, basta something na ipupublish o ilalabas sa maraming tao. At alam kong small things lead to bigger... things, pero sobra naman iyun para sa medyo insignipikanteng bagay.
May mga proseso namang dinadaanan iyan e, so kahit papaano, napapag-isipan naman iyung pagtrato sa mga kasong ganyan. Inisip ko lang din kasi, postmodern na rin iyung panahon e. Lahat ng kinain at sinuka na ng mga henyong nauna sa atin, kinakain lang at sinusuka lang natin uli.
In connection naman diyan, natatawa lang ako kasi. Apparently, ginamit iyung paper ko bilang source ng mga ibang online content at paper. Kanina pa ako nagsasalita tungkol sa plagiarism at pinapalabas kong medyo even-tempered ako about it, pero may sense naman akong i-avoid ang paggamit ng blog bilang source, lalo na't wala-wala lang iyung blog na iyun.
Sabi nga doon sa paper, anonymous Japanese student daw ako ng isang English class. Hello. Sana napag-isipan mong gumawa na muna ng background check sa pagkukunan mo ng info mo. Hindi ako galit, napapatanong lang ako ng, "Nyeh. Bakit niyo namang naisipan na gawing souce yung blog ko?"
Posted by syzygy at 10:12 PM | 1 in the sick.