Word vomit!

Entries for January, 2007

January 3rd, 2007

Yay, new year.

New year's resolution: exercise.

Natatakot kasi ako, ayokong matulad sa ate kong kulang ng kidney, o iyung kuya kong nag-da-dialysis, o iyung isa ko pang kuyang nagka-gout.

E ako naman parang tuloy lang sa saya at kain. Iyung kuya ko ngang nagka-gout e hindi na nga kumakain ng beef at umiinom ng coke e.

Then again, medyo mataba siya. Tapos shit iyung work hours niya.

Ewan ko, medyo healthy din naman iyung diet ko e. Healthy balance of healthy home-cooked meals and UP food. Plus some junk inbetween, like Combos and Timeout.

Iniisip ko lang naman na gusto ko ng flat stomach. Inaasar kasi ako ng kapatid ko sa aking tiyan. E ako naman parang, "kaya ko rin naman iyang 'abs' mo e, di lang ako nag-eeffort."

Di puro pang-iinis lang iyung ginagawa niya, may mga suggestion din naman. Gusto ko ngang i-take up iyung advice niya na mag-running ako. Kailangan ko lang maghanap ng oras at kasama, para masaya naman.

... 

Makatulog na nga. Happy new year!

Posted by syzygy at 12:19 AM | 3 in the sick.

January 5th, 2007

Can I just say.

Fuck Docu.

Fuck docu to hell.

 

Thanks. 

Posted by syzygy at 01:35 AM | throw it up

January 7th, 2007

Enteng Kabisote: Bleh.

Enteng Kabisote sucks ass. What utter crap.

Bleh. 

Posted by syzygy at 01:51 AM | throw it up

January 16th, 2007

I've got art in my fart.

My sudden bizarro urge akong gumawa ng sculpture kanina. May iniisip kasi akong image ng manga-like na taong natutunaw, tapos idodrowing ko sana kaso hindi ako masyadong magaling doon kaya naisipan kong gawin siya sa papier mache. Plinan-out ko siya sa utak ko habang nag-aantay ng sundo kanina sa Gateway.

Siguro susubukan ko siyang gawin sa susunod na linggo. Feel ko talagang gawin siya e. Magkaka-epiphany ako kunyari.

Buti nga iyung iba diyan nakakasulat pa. Hindi na nga ako makahanap ng panahon para magbasa e. Andami nang nakapatong na librong di pa tapos basahin sa bedside ko. Tapos gusto kong bumili pa. Nyek.

 

Medyo peace na kami ni docu. Gumawa kasi ako ng shoot-edit 3-minute city symphony na medyo pinagmumura ko, pero okay din naman pala iyung labas. Uno sana ako kaso iniwan kong naka auto-focus iyung cam kaya naging dos.

May conflict of emotions doon sa uno talaga ako sa puso't isipan, pero dos sa marka. Di pa rin ako namomotivate sa klase ng medyo gago naming prof.

 

Ngayon ko lang medyo na-realize na ang dami kong kailangan gawin. Iyung report namin sa film theory, ethnographic study sa docu, at ang shoot sa film prod. Aaaaaah. Dapat last week ko pa nasimulan iyung theory at docu, pero heto pa rin tayo. Yes to cramming pa rin. Medyo nangangarag din ako sa film prod namin. Kahit sobrang liit lang niya talaga, parang gusto ko mamatay. Aaah. Good luck na lang sa akin.

 

Posted by syzygy at 09:31 PM | 1 in the sick.

January 23rd, 2007

Manila by Late Night

Kakatapos ko lang panoorin iyung Manila by Night/City After Dark ni Ishmael Bernal para sa film theory and criticism. Nakita ko rin naman iyung galing niya, dahil walo ang pinaka-characters niya, pero di naging insignificant iyung mga role nila sa pelikula. Seamless iyung pag-weave niya in and out of the narratives. Naaalala ko yung Rules of Attraction, mas todong conventional lang nga to, pero engaging din.

 

Natatawa lang ako kasi parang ang daming malabong nangyayari, tulad ng:

- pagtutulungan sa panghahampas ng mag-asawa (isa si Charito Solis doon) sa kanilang adik na anak (William Martinez)

- random (as in sobrang random) na pagsakal sa isang call girl na nagkukunwaring nars (Alma Moreno). di man lang ninakaw iyung bag. at sakal pa talaga

- accidental na pagpalit sa katawan ng ibang tao sa namatay na nars, na pinadala sa probinsya (tapos hinimatay iyung asawa niya, si Orestes Ojeda)

- pagswimming ng mga teenager (Cherie Gil at W. Martinez uli) sa Manila Bay (inaassume ko lang, dahil sa Manila ang setting. baka malinis pa siya noong 70's, saka high nga naman sila)

- pagkaroon ng PSA-style narration with subtitles ng mga mangyayari sa mga character ("si ganito-ganyan ay naging mabuti na tao" etc), nang hindi pa natatapos iyung movie. medyo may ganoong style talaga si Bernal

- pagtulala ng Japanese callgirl client sa kanyang callgirl (Lorna Tolentino) nang siya'y himatayin pagkatapos sumuka. the whole time nagsasalita lang siya ng mga random-sounding Japanese phrases. ako parang, "ano 'tooo?"

 

Maganda talaga siya. Medyo may moments lang na malabo. Gusto ko nga manood ng ibang Bernal e. Weird lang na magaganahan ako ngayon e bukas na kami magrereport. Waha. Good luck.

 

Posted by syzygy at 01:46 AM | 4 in the sick.

January 24th, 2007

That darn COMMRES.

Commres is a warm bosom for you to rest your head on. Commres smothers you in kisses and wraps you in embraces. Commres sings lullabies to you before you sleep every night. Commres offers you its milk and you suckle from its pink nipples. Commres loves you. And you love Commres back

 

With all

 

your HEART,

 

and MIND,

 

and BODY,

 

and SOUL.

 

 

 

Pero pinaka evil pa rin ang Broad dept. Holy fucking christ. Demonic demonprofs. There is a HELLMOUTH in masscomm!!!

 

Posted by syzygy at 10:22 PM | 1 in the sick.

January 30th, 2007

Naeebs ako...

...punta lang akong CommRes.

Heh. Sige, di ko na ibabash ang commres. Aaminin ko na dati'y naisipan ko rin na nababagay ako sa commres. Medyo lohikal kasi ako, at okay naman sa math. At feeling ko maraming pera doon e.

Pero nakakabaliw pala sa department na iyun, so huwag na lang. 

Medyo pointless din iyung CR125 namin noong Lunes kasi. Nahuli na ako niyon, tapos pagpasok ko, naglecture si ma'am tungkol sa pagbibigay ng report. Parang, "Wtf? Eng10* ba to? O Kom3**? Ha?"

Nakakabobo talaga, seryoso. Medyo nagpapakabastos na ako't nagsusulat doon sa whiteboard na pinagpoprojectan ni ma'am ng kanyang sariling powerpoint report sa pagbibigay ng report. Nakatalikod naman siya e, binabasa iyung report niya sa laptop. Gusto ko lagyan ng malaking "WOW!" doon sa board. Pero nahiya naman ako't na-late na nga ako. So pinagtawanan na lang namin ni Xaxa siya through text.

At wow. Magrereport kami tungkol sa Photoshop. Ang topic: ibigay ang funtions ng File, Edit, at Image. Layer din ata, di ako sigurado. Baka gusto niya na rin isama ang HELP.

 

------ 

*English 10 - College English Writing, pagsusulat ng mga paper at kung anu-ano.

** Komunikasyon 3 - Speech Comm ata. Pagcocommunicate gamit ang speech. Reporting ata.

------ 

Naiintriga ako sa mga nagfefriendster ng private ang profiles. Akala ko yung buong punto ng friendster ay ang ikalat ang iyong kakapalan ng mukha sa internet. No offense sa mga makapal ang mukha sa friendster.

Feeling ko pwedeng gawan ng RESEARCH PAPER iyan. 

 

Posted by syzygy at 10:16 PM | 1 in the sick.

January 31st, 2007

Magaling!

Ang husay ko talaga! Sana magising ako ng alas kwatro. Good night.

Posted by syzygy at 11:43 PM | throw it up

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Content - Archives - Links