Tuloy na tuloy pa rin ang pasko.
Kahit nanalo ng first place ang UP CAST sa CMC Carolfest at ng second place sa Univ-wide Carlofest (Go UP CAST!), downer iyung UP Christmas experience ko. Walang lantern parade (nag-parade sila sa hapon, pero paano pa magiging lantern iyun kung may araw pa di ba), tapos medyo nalulungkot ako na naipasa iyung tuition and other fee increases.
Kumpara pa sa last year, na kahit FA lang ang naglantern (na mukhang FA lang din ata ang nag-lantern ngayon), tae iyung pasko ngayon sa UP.
In general din, hindi ko rin masyadong na-fi-feel iyung pasko. Late kami nagdecorate sa bahay, wala pa akong nabibiling regalo... Walang sense of anticipation o excitement. Walong araw na lang. Medyo sad iyun.
Ewan. Sana may mangyari para sumaya naman buhay ko.
Posted by syzygy at 03:59 AM | 2 in the sick.