Word vomit!

July 28th, 2006

Ang pagiging film student.

Hindi na naman ito tungkol sa pagmumuni ko sa pagpili ng aking kurso. Sa totoo, oo, pero ito yung less whiny version siguro. (Ayun, napa-Taglish na.)

Kahitanongparaan.

Kasi sa Film Prod class namin, may binanggit ang aming prof tungkol sa aming pag-aaral bilang film student. Ang Film Prod ay isang teknikal na klase, at sinasabi niya na nararapat kaming maging dalubhasa ("aral" dapat yung gagamitin kong salita) sa mga teknikal na aspeto ng film, dahil dito nakabase ang pagiging "filmmaker" namin.

Napaisip lang ako, kasi kahit sino naman pwede maging filmmaker e. Sigurado naman maraming filmmaker ngayon ay hindi dumaan sa four-year course sa isang state college. Hindi naman siguro kailangan ng isang buong sem ng klase para magturo ng lighting at rule of thirds at mise en scene. Sabi nga nila e ang mga prod assistants sa mga shoot ng mga film companies ay nagiging director/cinematographer/etc din, dala ng kanilang experience sa industriya.

 

Baka nga ay sinasabi ko to dahil nasa teknikals nga ang pagkukulang ko. Ang mga tao nga'y sinasabi pa rin na hindi ako marunong magcompose ng shot sa stills. Noong nag-cinematog nga ako'y wala naman akong alam sa camerang ginagamit ko. Wala akong alam sa white balance, kung paano mapansin yung diprensya sa laki ng aperture, atbp. Nag-cinematographer pa ako.

Alam mo yun, yung kung sa iba kong kasama ay naidadissect nila ang pelikula at nasasabing "pangit yung shot noong nahulog siya sa hagdan" o "walang continuity kasi nabawasan yung tubig doon sa toilet," e ako'y napapatanga na lang. Paano naman nila napansin iyun?

 

Sa theory nga kasi ako natutuwa talaga. Sa bagay, nakailang klase sa theory pa lang ba kami? Intro to film: isa, medyo. Tapos isa pang medyo kalahati lang naman, yung Language and grammar. Yung Phil. cinema, oo... pwede na rin. Kaya siguro, isama na rin yung Russian Cinema. At yung Genre (iyun talaga, buong-buo ang pagka-theory niya.)

Feeling ko kasi, doon naman mabubuo yung pagka-filmmaker (kuno) namin, na alam namin kung ano ang pinanggagalingan ng pinaggagawa namin. Alam namin kung kanino galing yung montage, at kung anumang Freudian psych ang maisasaksak mo sa pagbuo ng romantic comedy.

Saan naman ako mapupunta sa aking galing sa film theory? Critic? Teacher? Yuck.



Ewan ko lang. Lumalabas na nga lang yung pagkawalan ko ng "passion" sa pinaggagawa ko sa kurso. Sa totoo lang, wala naman talaga akong planong maging "filmmaker" e. Kinuha ko ang film dahil pinagsama niya ang aking interes sa kwento at biswal na sining. Isa siyang field ng creative expression, kaya't pinili ko siya.

Nakakahiya nga minsan e, pag naiisip mo yung mga taong pwedeng nasa posisyon mo, na nag-aaral sa UP, habang ikaw naman ay, ayan, wala lang.

Kaya siguro'y pinagpatuloy ko na lang ito. Di ko namang sinasabi ang "I'm doing the best that I can," pero sinusubukan ko na ring pagbutihin to.

Sana lang ay hindi naman ako matulad sa horror story ng aking kaibigan, ang tungkol sa film student na naging photo editor sa Colombia, Cubao.

Lord, sana huwag ka naman ganyan. Salamat, Lord.

Posted by syzygy at 12:28 AM | 10 in the sick.

Login to your account to post comment

You are not logged into your Tabulas account. Please click here to login.

karl (guest)

Comment posted on August 9th, 2006 at 05:34 AM
hi joma! alam kong di tayo nag-uusap pero napadaan ako sa blog mo, at incidentally, sa theory vs technicals dilemma mo.

false dilemma siya, basically. parang artist vs. artisan. anyone can be a craftsman (technicals lang) by experience. pero ang kinaiba ng film students, we learn theories to approximate our moves and help us contextualize/understand what we're doing. pati na rin criticism, to assess our works and rectify our errors.

siguro, kailangan mo lang talagang maisapuso ang idea of praxis, that is, theory and practice in one. they are inseparable. theory guides practice, and practice actualizes theory.

at siyempre, aside from formalist theories, maganda rin talagang maintindihan mo ang social and political aspects ng filmmaking. inherent yun, pero di laging napapalawig sa mga diskusyon sa klasrum. the most important thing about a film, after all, is its implications (whether on art, on communities or on societies). laluna't sa UP nga tayo nag-aaral, maganda talagang mamaximize mo ang academic freedom dito.

ayun. huwag kang matakot na mangahas. in life in general and filmmaking in particular, the best experiences are gained when you leave your comfort zone.

(p.s. nakakatuwa rin, kasi i entered film for the very same reasons that you did. hehehehe i'm really a visual person at heart.)

guest (guest)

Comment posted on August 2nd, 2006 at 10:39 PM
it's not theory or technicals that work in film. it'll help but i believe that being a film major like you, we should not look at ourselves as film students and make film student stuff. we should think like a filmmaker, act like a filmmaker and be a filmmaker.

yes, the four corners of the classroom sometimes causes you not to learn. go out there in the field, or a little reading about cinematography would do. viera or wheeler is nice. take the cinematography class when you're already allowed to.

yes, it is frustrating and sometimes it depletes your passion. but if you really are passionate about film, then you should always do your best. maraming beses mo na tong napakinggan, baka kailangan mo lang ulit pakinggan.

hindi ka theorist para isipin ang mga kung anong gagalaw sa pelikula mo, eh sinong makakaintindi nyan? mga theorist lang. target nga natin diba yun mga taong nakakarami, kaya asa masscomm ang film, instead of fine arts.

basta, after the books or the class, go out there. find something that'll enrich you as a filmmaker or whatever you want to be.

if you're not sure of being in the right course, then think again. we don't need another mediocre film student.
Comment posted on August 3rd, 2006 at 11:57 PM
i think you're missing my point, which is ANYONE can learn technicals, and be a filmmaker. learning theory is what makes separates the film student from anyone, because then the student knows why he's doing what he's doing.

as for being mediocre: given the circumstances, i feel i'm doing quite well, thank you.

although wala pa ring tatalo kay erika b. si erika b ang pag-asa ng bayan.
Comment posted on July 31st, 2006 at 11:19 PM
huh? kopya? kinwento lang sa akin yun, at maikli lang siya, mga six sentences' worth. hahaha

ica (guest)

Comment posted on July 31st, 2006 at 01:49 AM
gusto ko yung kwentong 'yan! (tungkol kay mr. columbia photo editor.) may kopya ka ba? :)
Comment posted on July 29th, 2006 at 09:57 PM

pedro (guest)

Comment posted on July 29th, 2006 at 09:04 PM
joma! colombia....tsk tsk tsk.. scary... wahahahah tayo na lang gagawa ng life story ng national artist to be.. ang pinakadakila nating prof.sa mul9 =) ayun lagyan mo ng freudian theory... wahahaha relax lang.
Comment posted on July 29th, 2006 at 12:30 AM
i pray that you don't become some teacher in media. yuck solis. haha.. peace.

i believe na kaya mo. naks.

john, over and out. :)
Comment posted on July 28th, 2006 at 07:42 PM
huwow!

nadala lang ako sa moment. actually gusto ko lang ibigay yung opinyon ko sa galing sa technicals vs theory e. yung prof kasi na yun e.

salamat na rin siguro. :)
Comment posted on July 28th, 2006 at 01:11 AM
joma, wag ka ngang magdrama. ultimately, choice mo lahat yan. hindi ka magiging photo editor sa cubao kasi you will choose to do greater things.

dream. believe. survive.

LOL.
site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Content - Archives - Links