Class tomorrow.
Boo. Ang loser talaga ni PGMA.
Buti pa si Natalie Portman.
(Linked because this shit won't embed.)
Posted by syzygy at 08:39 PM | 3 in the sick.
Boo. Ang loser talaga ni PGMA.
Buti pa si Natalie Portman.
(Linked because this shit won't embed.)
Posted by syzygy at 08:39 PM | 3 in the sick.
Labo talaga nila. Ang Yummy Strawberry at Berry Mix Medley ay walang kaibahan.
Hindi ko alam kung anong meron sa aking ngayon at hindi na ako masyadong napapakwento dito. Gusto ko, pero tinatamad ako. The kawalalangness of it all.
Baka ikwento ko yung shooting experience ko noong weekend. Tignan natin.
Onga pala, ang aming org, ang UP Mass Communicators Organization, ay nasa kanyang ika-13 na taon at magkakaroon kami ng pakain sa CMC skywalkm yung bridge doon sa gitna ng aming college, ng mga 4 pm. Merienda lang naman, nothing too big.
Also:
Gusto mo ng raket? P3000 din ito! Sali na sa EQ-NEK Entertainment Quiz Show ng UP-MCO!
Bumuo lang ng isang team ng 3 miyembro (at isang alternate), maghanda ng P50 para sa registration fee at pumunta sa CMC Skywalk sa July 25, Tuesday, anytime para mag-register.
Ang quiz show ay July 27, Thursday, 1-5 pm sa Balay Kalinaw Conference Hall. Entertainment trivia, current events at media lang ang kailangan mong isipin. Sali na! Masaya to!
Ayun lang po. Bow.
Posted by syzygy at 10:17 PM | 2 in the sick.
Hindi na naman ito tungkol sa pagmumuni ko sa pagpili ng aking kurso. Sa totoo, oo, pero ito yung less whiny version siguro. (Ayun, napa-Taglish na.)
Kahitanongparaan.
Kasi sa Film Prod class namin, may binanggit ang aming prof tungkol sa aming pag-aaral bilang film student. Ang Film Prod ay isang teknikal na klase, at sinasabi niya na nararapat kaming maging dalubhasa ("aral" dapat yung gagamitin kong salita) sa mga teknikal na aspeto ng film, dahil dito nakabase ang pagiging "filmmaker" namin.
Napaisip lang ako, kasi kahit sino naman pwede maging filmmaker e. Sigurado naman maraming filmmaker ngayon ay hindi dumaan sa four-year course sa isang state college. Hindi naman siguro kailangan ng isang buong sem ng klase para magturo ng lighting at rule of thirds at mise en scene. Sabi nga nila e ang mga prod assistants sa mga shoot ng mga film companies ay nagiging director/cinematographer/etc din, dala ng kanilang experience sa industriya.
Baka nga ay sinasabi ko to dahil nasa teknikals nga ang pagkukulang ko. Ang mga tao nga'y sinasabi pa rin na hindi ako marunong magcompose ng shot sa stills. Noong nag-cinematog nga ako'y wala naman akong alam sa camerang ginagamit ko. Wala akong alam sa white balance, kung paano mapansin yung diprensya sa laki ng aperture, atbp. Nag-cinematographer pa ako.
Alam mo yun, yung kung sa iba kong kasama ay naidadissect nila ang pelikula at nasasabing "pangit yung shot noong nahulog siya sa hagdan" o "walang continuity kasi nabawasan yung tubig doon sa toilet," e ako'y napapatanga na lang. Paano naman nila napansin iyun?
Sa theory nga kasi ako natutuwa talaga. Sa bagay, nakailang klase sa theory pa lang ba kami? Intro to film: isa, medyo. Tapos isa pang medyo kalahati lang naman, yung Language and grammar. Yung Phil. cinema, oo... pwede na rin. Kaya siguro, isama na rin yung Russian Cinema. At yung Genre (iyun talaga, buong-buo ang pagka-theory niya.)
Feeling ko kasi, doon naman mabubuo yung pagka-filmmaker (kuno) namin, na alam namin kung ano ang pinanggagalingan ng pinaggagawa namin. Alam namin kung kanino galing yung montage, at kung anumang Freudian psych ang maisasaksak mo sa pagbuo ng romantic comedy.
Saan naman ako mapupunta sa aking galing sa film theory? Critic? Teacher? Yuck.
Ewan ko lang. Lumalabas na nga lang yung pagkawalan ko ng "passion" sa pinaggagawa ko sa kurso. Sa totoo lang, wala naman talaga akong planong maging "filmmaker" e. Kinuha ko ang film dahil pinagsama niya ang aking interes sa kwento at biswal na sining. Isa siyang field ng creative expression, kaya't pinili ko siya.
Nakakahiya nga minsan e, pag naiisip mo yung mga taong pwedeng nasa posisyon mo, na nag-aaral sa UP, habang ikaw naman ay, ayan, wala lang.
Kaya siguro'y pinagpatuloy ko na lang ito. Di ko namang sinasabi ang "I'm doing the best that I can," pero sinusubukan ko na ring pagbutihin to.
Sana lang ay hindi naman ako matulad sa horror story ng aking kaibigan, ang tungkol sa film student na naging photo editor sa Colombia, Cubao.
Lord, sana huwag ka naman ganyan. Salamat, Lord. 
Posted by syzygy at 12:28 AM | 10 in the sick.