Word vomit!

Entries for August, 2005

August 2nd, 2005

Acads muna.

Saya ng buhay ko. Wala akong ginagawa. First quiz ko ever, sa kahit anong subject this sem, kahapon. Anthro. Tapos hindi ako nag-aral.

Define anthropology. (Isip muna) The study of man and culture.

Wrong!!! 2 points down the drain.

 

Plano kong i-uno lahat ng G.E. ko. Kasi ang na-uno ko pa lang ay ang Math1. Galing ko talaga. Nagpapaulan daw ng uno si Sir Anthro at Maam Geog. Ewan ko na lang kay Maam ArtStud. Gagalingan namin yung report namin sa printmaking, total, ang pangit magreport ng mga nauna sa amin. Pipilitan kong mag-song and dance number kami.

 

Naiirita ako sa Comm100 namin. Puro theory. Parang ganito ang klase:

blah blah blah blah text, blah blah discourse, blah, theory theory, blah blah blah communication. Nabobo talaga ako sa klaseng iyon. 

Masaya naman yung film classes ko. Sa Language and Grammar of Film 112 namin, nanonood lang kami ng sine, at gumagawa ng reaction paper. Pinahawak na rin kami ng camera at ilaw.Sobrang casual ng class.Tapos may mga kasama kaming Koreano. Saya. Dumating pa nga si Archie kahapon e.

Kaso nga lang, gagawa kami ng individual production. Kamusta naman. Kahit yung mga nag-thethesis ay magkapartner. Paano ba naman sasaluhin ng isang tao ang cost at directing manpower ng isang prod? Maganda lang doon, ikaw masusunod sa lahat. Sa mga ibang klase nag-aaway-away pa sila. Hehehehe.

 

Sa Phil. Cinema 102, yung pumalit sa aming naunang prof na si Rolando Tolentino, ay mapa-highschool ang pagtrato sa amin. 

"*eherm* Guys... *katok sa mesa* Quiet down please..."

Kaya niyang magsalita ng diretso nang isang oras. Tapos nawiwindang kami. Buti't magkasami kaming magkaka-block (plus mga transferees at nage-MA) at madalas kong pinagjojoke ang mga napapanood namin. Natatawa naman yung katabi ko. Yun siguro yung dahilan kung bakit ako na 2.25 sa F100 ko. Tae. Sa likod na nga ako uupo.

 

Ayan. Napa-update ako. Madalas kasi pag-uwi ko--TV, kain, viola, trabaho (kung meron), tulog. Mas maaga na nga akong natutulog dahil hindi ako napapa-net. Natatakot na rin kasi akong gamitin to, dahil ayoko na namang pabalik-balik sa shop para paayusin. Eh ngayon nagdadagsaan na naman ang mga virus at trojan at kung-anu-ano. Kaya aantayin ko na lang yung mga kapatid ko para magawa ko to ng tama. Haaay buhay.

Posted by syzygy at 09:35 AM | 1 in the sick.

August 17th, 2005

Ang buhay na may kwenta, kahit kakaunti lang

Sige. Maka-update na nga.

Wala naman kasing nangyayari masyado sa buhay ko, ayan, pasok sa klase,  gawa ng org stuff, manood ng tv, maglaro, magpractice, matulog...

Sabi nga ni Tony, parang wala-wala lang kami sa masscomm. Hindi naman, pero sa puntong ito ngayon, parang ganoon na nga. Nood lang ng sine, react, minsan may group work. Ngayon required kaming manood ng Pusang Gala. Gagawa din kami ng production para sa klase ring iyon, pero ewan ko kung anong nangyayari doon ngayon at palaging nasasagasaan ng holiday at kung ano yung klase namin.

Kaya ayun. Iyan ang buhay, minsan ganyan, minsan ganito. Ganoon.

Masaya rin naman ako sa ginagawa ko e. Yung pagtingin ko kasi, di tulad ng mga ibang kurso kung saan may klarong tama at mali, yung sa amin,  maraming teknikal, pero subdiyektib. Nabibigyan ako ng kakayahan at karapatang manira, purihin ang mga bagay-bagay. Sa pisiks (hehehe) ano namang maookray mo? Pagpahingahin ko ang maleta (<--translate).

Hihirap din naman buhay ko next sem (ayan, tinamad nang i-Filipino). Wala kasi akong PE ngayon at kailangan kong tapusin bago mag-thirdyear, kaya dapat kong kunin ang dalawang PE ko, kasama ng apat na General Education (CRS, don't fail me now) at dalawang major subjects sa susunod na sem. Good luck sa sked ko.

Kaya ngayon, nagpapakasaya ako habang may panahon pa. 

Yung problema lang sa sem kong ito, mas magastos ako por sam rison. Hindi dapat dahil tatlong beses lang (dapat) akong pumasok sa skwela. Baka ngayon lang yun, at marami kaming readings sa Geog at Anthro at may presentation kami sa ArtStud. Saka baka dahil sa dota rin. Pero hindi e. Siguro'y dapat mag-ekonomiks na rin...

Kahitanongparaan, magtitipid na lang ako. Magdodota pa rin ako, kung meron. Midterms na rin naman e. Susulitin ko na lang yung pagkain ko. Saka magpapahatid at sundo. Grabe talaga kasi pamasahe ngayon. P30 lahat-lahat papuntang UP at pabalik ng bahay. Wala pa roon yung ikot lang, at kung may extra-kurikular aktibiti sa katipunan.

Natutuwa nga pala ako sa background ko. Iyun lang. 

Posted by syzygy at 09:54 AM | throw it up

August 25th, 2005

Maxwell

Lately I've been seeing this word/name all over. It was in a game I was playing, the coffee we have in the fridge, some foreign speaker on a banner on Robinson's, on a quote I received through text a while ago...

Maxwell isn't a very common word. At least I don't think it is.

So. Who/what is this maxwell? What are the powers that be trying to tell me? What?? WHAT???

 

Sorry for that brief brush with oddness. Nawi-weirdohan lang talaga ako. Naka-ilan na talaga siya e. Ewan ko naman kung anong mapapala ko sa pag-iintindi ng maxwell na iyan. Nag-aaral din kasi kami ng semiotics. Kaya iyun.

Ayan. Pag-uusapan ko ulit yung acads ko. Maikli lang naman. Kakatapos lang kasi ng anthro at geog exams namin. Yung anthro pang-irita. Wala rin sigurong magagawa kung nag-aral pa 'ko ng mas matagal. Ewan ko naman kung ano ang cogito ergo sum at senteo ergo sum. Buti pa yung geog. Alam ko kung anong aaralin. Tapos kung anu-ano pang ibang kalokohan yung lumabas. Maam talaga. Pero okay lang. Bonus naman. Yay.

Napansin ko lang ngayon na hindi na ako masyadong nagbabasa. May isa nga akong librong hindi ko mahanap e. Tapos malimit din akong mapa-internet. Puro TV na lang. At viola. At dota, paminsan. At PS2. Saya.

Bumobo na nga talaga ako e. Sinolve ko to:

6x - 5(2 + 2x)= x - 10 

Tapos sagot ko -1/4. Siyet. Nakakahiya. Bwah. So talagang masscommer nako.

Makapag-math2 na nga. Advising na kasi namin e, so pumipili na ako ng mga GE subjects ngayon. Apat, plus yung dalawang majors ata. Pagtiyatiyagaan ko yung CRS. Math2, Geology1, Archaeology2 at Music "L" (literature? lessons?) 9 o 13. Kung hindi ko makuha yung mga iyon, magdrodrop-out ako. Hahahaha. 

Iyun lang. Inaantok nako. Sa susunod na lang yung interesting entry ko, kung meron man. Good night world.

Posted by syzygy at 11:26 PM | throw it up

August 28th, 2005

Head in a blender.

Eiga Sai!!! UP Film Institute, Sept 13 - 17, 2 pm and 5 pm, FREE! (dapat lang.)

Kenji Mizoguchi's "Ugetsu Monogatari," Masaki Kobayashi's "Kwaidan," Kiyoshi Kurosawa's "Kairo," Shimizu Takashi's "Tomie: Rebirth," Nobuhiko Obayashi's "House," Kenji Misumi's "Yotsuya Ghost Story," Hideyuki Hirayama's "Haunted School"

Papanoorin ko talaga yung Kairo. Magcucut ako kung magka-conflict. Kahit yung kabwisitang Film102. Hmm. Hindi naman ganoong kabwisit, pero ganoon na rin. Nakakainis siya paminsan.

 

So. Nahihilo na naman ako ngayon. Pero pag tinitilt ko lang yung ulo ko. Okay lang naman, nakakairita lang pag nakahiga. Biglang iikot mundo ko. Awts.

Resulta ata 'to ng paglamon ko ng isang buong bag ng popcorn. Sodium fiesta. Ehh. 


Ayan. Iyun lang. Wala namang ibang nangyayari. Kailangan kong gumawa ng storyboard sa Film112. Uumpisahan na yung papers at reports sa F102 at Comm100. Kaka-exam lang ng ibang subjects ko. Panahon na magpa-advise para sa susunod na sem. Malapit na akong mag-recital sa viola. Hindi ko pa nakukuha nang tama yung piyesa. Hayun. Goodluck sa akin.

 

Eiga Sai!!!

Posted by syzygy at 01:05 PM | throw it up

August 31st, 2005

Scary things.

May nagtetext kasi sa akin, hindi ko kilala, i look cute without my glasses daw, ano pangalan ko, kung saan daw kami lumabas, bakit hindi niya ako nakita, etc.  Ako naman, shet. Sino ka?? Nagsimula na ngang gamitin yung four-letter L word e. Jeezus. WTF?

Creeps me out. So far, I've only replied once. Paubusin nga yung load.

I've heard before that what we learn in grade school, we unlearn in high school, and what we learn in high school, we unlearn in college. 

And then I remember once in grade school, when we were taking up compound words, our teacher asked us if we could think up of any three-letter compound words. We were stumped. Her answer: pen-man-ship. Get it?

Scary. Ewan ko lang kung natatandaan yan ni Tony o ni John. Meron din sa music class, di alam ng teacher namin kung ano ang facade. E syempre ako rin. Paano ba yun? Isa pa sa Grade 4 English class, di rin alam ni Ms. Titser kung ano yung tripe.

Ewan ko lang a, baka masyado namang pagiging demanding sa mga educators ng grade school. Pero pag naiisip ko yung mga iyan natatanga rin ako bigla. Nakakahawa a.

Naalala ko rin bigla, nakakita ako ng UFO noong Grade 4. Totoo. Seryoso. O baka nadedeliryo lang lang ako noon.

Iyun na iyun. Mga nakakatakot na bagay. Scary things. Wala akong magawa e. Maghahanap lang ng info tungkol sa "structuralism" at "national identity." Sinusubukan kong mag-practice (ensayo) sa viola pero na-frufrustrate (irita) lang ako. Matutulog na lang ako. Gyudnayt.

Posted by syzygy at 11:31 PM | 4 in the sick.

site powered by tabulas | Back to Top - Home - Gallery - Friends - Content - Archives - Links