Kwento. Importante to.
Linggo, Hunyo 27, 1-2 pm. Nanggaling ako sa ilalim ng Katipunan overpass, palakad papunta sa MRT. Sa may St. Bridget's may lumapit na lalaki (guy #1), humihingi raw ng tulong kung may kilala raw ako sa letrato ng grupo ng kabataan na nagnakaw sa isang magsyota blah blah. Nilapitan daw ako kasi nakaputi rin yung trobolmakers blah blah blah.
Takot ako noon a.
Innyway, may isa pang lalaki (guy #2) na dumating, la-la-la, lumapit siya sa isa pang mag-eMRT (MRT guy). Sa kabobohan o nerbyos ko, hindi naman ako tumutol, sumunod ako papunta sa residential area pagkatapos ng building na may bowling.
A basta! Iyun. Pumunta kami sa isang tamabayan doon, tapos habang kukunin ni guy#2 yung fotos, hintay na lang muna kami doon.
So si guy#1, naramdaman niyang hindi ko naiintindihan (iyun yung mga "blah" sa first part), so inexplain niya ulit. Chineck-out niya yung cell ko (Nokia 3330) at wallet (P50 lang dala ko, kita niya yung UP id ko at credit card), pero wala naman siyang kinuha. Bumalik yung guy #2, hindi raw mahanap yung pics.
Basta sa dulo ng lahat, ang labas ko sa kanila isang hindi-makaintindi't bobo na walang maitutulong kaya pinaalis na lang ako.
Iyun. Haaay. Haba. Ingat kayo ha. Nireport na rin namin sa barangay at pulis, kaya iyun.
Nga pala, baka tanong mo, bakit hindi ko to pinost dati pa? Wala, tinamad ako.
Gah. Basta. Ingat kayo.
~~***~~
In other news: The Immaculate Conception Parish Cubao Children's Choir, lead by Ms. Tikya Vizconde, will represent the Philippines in a competition in Germany (wow). Dasalan niyo sila.
I might just learn the viola! Maghahanap lang ako ng lessons, instrument, panahon... pero sagot ng magulang ko yung pera!
Wala, iyun lang. Long entry.